Tuesday, March 14, 2006

Ibaba ang pantalon hanggang tuhod...

"itaas mo ang bayag mo.."

"po?"

"itaas mo ang bayag mo!"

hindi ko 'to sulat para sa xerex...

pero 'yun ang sinabi ng doktor nung nagpamedical ako sa infirmary...kung hindi ako nagkakamali, may 13, 1999 yun. kasama ko ang kuya ko nun. freshman registration.

labintatlo lang kaming pumasa sa UPCAT mula sa highschool ko. dalawang diliman, isang manila, isang los baƱos, isang baguio at ang nalalabi sa clark. february 'yon nung lumabas ang resulta ng UPCAT. tanda ko nga bumiyahe pa ng diliman ang mga kaklase ko para tingnan kung sino sa amin ang pumasa. umabsent sila nung hapong yun tutal practice lang naman ng graduation ang inaatupag namin nung mga panahong 'yon. nakiusap akong pakitingnan na rin kung nakalista ang pangalan ko tutal andun na rin sila. 'di na ako sumama at alam kong 'di naman papayag ang nanay ko. hindi ako magkandaugaga nung araw na 'yon. kabado ako siyempre, halos lahat ng kaanak ko eh sa UP gumraduate. ikaw ba 'di ka ba kakabahan?

pagbalik ng mga kaklase ko, siguro lahat ng klase ng emosyon na maaaring maramdaman ng tao, nakita ko sa mga mukha nila. 'yung isa kung makangiti, naku kasya ang tatlo...(kung tatlong ano, aba eh iiwan ko na lang sa imagination niyo) 'yung isa naman, pasimple lang pero pakiramdam ko eh sa kaloob looban eh nagvi-viva pati butas ng puwit niya. 'yung iba tulala. 'yung iba bitter, 'di naman daw nila talaga type ang UP. mas gusto daw nila sa private school... ay ayokong manghusga.

tinanong ko yung pinakiusapan ko kung nakita niya ang pangalan ko. naku, malakas ang kutob ko bad news ito..."sorry Bits* hindi eh..." tama ang hinala ko. parang gusto kong magpaka-bitter...chos!

pero sa totoo, nalungkot talaga ako. 'di ko alam kung paano ko sasabihin sa nanay ko. bahala na.

nag isip ako ng paraan kung paano ko sasabihin na hindi ako pumasa. pag uwi ko, wala pang tao sa bahay. naisipan kong maligo para maginhawahan naman ng kaunti ang pakiramdam ko. tipong nakatapis lang ako (woot-woot! aza!) nang biglang nag-ring ang telepono. dali-dali kong sinagot. kuya ko. long distance.

"hello?"

"jep?, hoy pumasa ka sa LB!"

"talaga?!"

nagtatalon talon ako sa tuwa. laglag na ang tapis ko pero sige pa rin ako sa pagtalon.

mabilis lang kaming nag usap ng kuya ko. long distance kasi kaya mahal.

ang saya saya ko! feeling ko pwede ko nang hamunin si ngiting-kasya-ang-tatlo. pero mas lamang ako dahil oblation-inspired ang get-up ko 'nun.

ilang araw matapos ang makalaglag-tapis na pangyayari, nakatanggap ako ng sulat mula sa UP. hapon ng may 13, 1999 ang schedule ko para mag-register.

may 13, 1999... ibaba ang pantalon...

*Bits ang tawag sa akin nung highschool dahil lastname basis kami noon. BITUIN, BITS para mas madali.









0 Comments:

Post a Comment

<< Home