Tuesday, March 14, 2006

Ibaba ang pantalon hanggang tuhod...

"itaas mo ang bayag mo.."

"po?"

"itaas mo ang bayag mo!"

hindi ko 'to sulat para sa xerex...

pero 'yun ang sinabi ng doktor nung nagpamedical ako sa infirmary...kung hindi ako nagkakamali, may 13, 1999 yun. kasama ko ang kuya ko nun. freshman registration.

labintatlo lang kaming pumasa sa UPCAT mula sa highschool ko. dalawang diliman, isang manila, isang los baños, isang baguio at ang nalalabi sa clark. february 'yon nung lumabas ang resulta ng UPCAT. tanda ko nga bumiyahe pa ng diliman ang mga kaklase ko para tingnan kung sino sa amin ang pumasa. umabsent sila nung hapong yun tutal practice lang naman ng graduation ang inaatupag namin nung mga panahong 'yon. nakiusap akong pakitingnan na rin kung nakalista ang pangalan ko tutal andun na rin sila. 'di na ako sumama at alam kong 'di naman papayag ang nanay ko. hindi ako magkandaugaga nung araw na 'yon. kabado ako siyempre, halos lahat ng kaanak ko eh sa UP gumraduate. ikaw ba 'di ka ba kakabahan?

pagbalik ng mga kaklase ko, siguro lahat ng klase ng emosyon na maaaring maramdaman ng tao, nakita ko sa mga mukha nila. 'yung isa kung makangiti, naku kasya ang tatlo...(kung tatlong ano, aba eh iiwan ko na lang sa imagination niyo) 'yung isa naman, pasimple lang pero pakiramdam ko eh sa kaloob looban eh nagvi-viva pati butas ng puwit niya. 'yung iba tulala. 'yung iba bitter, 'di naman daw nila talaga type ang UP. mas gusto daw nila sa private school... ay ayokong manghusga.

tinanong ko yung pinakiusapan ko kung nakita niya ang pangalan ko. naku, malakas ang kutob ko bad news ito..."sorry Bits* hindi eh..." tama ang hinala ko. parang gusto kong magpaka-bitter...chos!

pero sa totoo, nalungkot talaga ako. 'di ko alam kung paano ko sasabihin sa nanay ko. bahala na.

nag isip ako ng paraan kung paano ko sasabihin na hindi ako pumasa. pag uwi ko, wala pang tao sa bahay. naisipan kong maligo para maginhawahan naman ng kaunti ang pakiramdam ko. tipong nakatapis lang ako (woot-woot! aza!) nang biglang nag-ring ang telepono. dali-dali kong sinagot. kuya ko. long distance.

"hello?"

"jep?, hoy pumasa ka sa LB!"

"talaga?!"

nagtatalon talon ako sa tuwa. laglag na ang tapis ko pero sige pa rin ako sa pagtalon.

mabilis lang kaming nag usap ng kuya ko. long distance kasi kaya mahal.

ang saya saya ko! feeling ko pwede ko nang hamunin si ngiting-kasya-ang-tatlo. pero mas lamang ako dahil oblation-inspired ang get-up ko 'nun.

ilang araw matapos ang makalaglag-tapis na pangyayari, nakatanggap ako ng sulat mula sa UP. hapon ng may 13, 1999 ang schedule ko para mag-register.

may 13, 1999... ibaba ang pantalon...

*Bits ang tawag sa akin nung highschool dahil lastname basis kami noon. BITUIN, BITS para mas madali.









Monday, March 13, 2006

heto ang unang entry ko...

madalas ko 'tong mabasa sa mga bagong blog. sabi ko sa sarili ko kung gagawa ako ng blog, 'di ko gagamitin ang mga katagang ito. ang hirap pala 'pag umpisa dahil 'di mo alam kung paano ka mag uumpisa. ilang beses ko ring pinalitan ang title ng blog ko, pati description. 'di ako mapalagay, 'di ako makuntento, siguro dahil matagal na ring 'di ako nakakapagsulat (o nakapagsusulat, kung may maarte sa pinoy grammar d'yan). kulang sa practice kumbaga.

pero tulad ng pagsakay ng bisikleta, kahit 'di mo man madalas gawin, once na matuto ka, alam mo pa rin kung paano sumakay. unti-unti, babalik din sa'yo. madali lang namang magsulat, ang magsulat ng may sense ang mahirap.

ang magsulat ng may sense ang mahirap, pero sino nga ba talaga ang makakapagsabing may sense nga o wala ang mga sinulat mo?

wala.

kaya unti unti ko na ring pinabayaan...

naengganyo akong gumawa ng blog dahil sa mga kaibigan ko. sabi ko nga matagal ko na ring binabalak ito. at dahil nga gusto ko maganda rin ang blog ko, pinag isipan kong mabuti kung anong ilalagay ko.

Biyaheng STA. CRUZ, CALAMBA COLLEGE. 'di ko mabilang kung ilang beses kong sinakyan ang biyaheng ito para makapunta sa los baños. taga-pampanga ako kaya sasakay muna ako papuntang maynila. dalawa ang choices ko, cubao o avenida. pero mas masaya (at mas mura) ang rutang cubao. biruin mo madadaanan mo ang channel 7, san ka pa? (oo inaamin ko may pagkajologs ako) pero totoo, mas masaya ang biyaheng cubao. kasi dito pa lang madami nang taga LB na sumasakay, think of it as an extension of your respective tambayans sa LB. basta masaya. promise. dito ko nakasakay si kame na may baong tinapa. dito rin kami napakain ng goto ni tsog dahil gutom na gutom na kami at sasampung piso na lang ang pwede naming gastusin. 'di naman sa hindi kami kumakain ng goto pero sadyang kaduda duda ang kalinisan ng nasabing goto.

marami akong alaala sa cubao. saka ko na siguro ikukuwento 'yung iba.

dahil ang buhay ay isang paglalakbay...hinaharap ang bawat pagkakataon bawat sakay... ilang beses ko ring pinalitan ang description nito. dapat sana "sakay na!" ang ilalagay ko pero sabi ko nga kay cha, baka mabuko na fan ako ni sharon cuneta. kung titingnan mo, tama nga naman, sa buhay marami kang madadaanan, marami kang makikila. sabihin na lang nating gusto kong ikuwento kung ano ang nadaanan ko, kung ano ang nakita ko, kung sino ang nakilala ko at higit sa lahat kung ano ang natutunan ko.

sa pagsulat ko ng first entry ko, natutunan kong bumitaw sa kaisipang dapat lahat maganda, dapat lahat perfect. dahil sa totoong buhay, 'di lahat maganda, 'di lahat perfect pero matutunan mo rin itong ma-appreciate. at higit sa lahat 'di sasaya ang buhay kung lagi na lang maganda at lagi na lang perfect.

heto ang unang entry ko...