heto ang unang entry ko...
madalas ko 'tong mabasa sa mga bagong blog. sabi ko sa sarili ko kung gagawa ako ng blog, 'di ko gagamitin ang mga katagang ito. ang hirap pala 'pag umpisa dahil 'di mo alam kung paano ka mag uumpisa. ilang beses ko ring pinalitan ang title ng blog ko, pati description. 'di ako mapalagay, 'di ako makuntento, siguro dahil matagal na ring 'di ako nakakapagsulat (o nakapagsusulat, kung may maarte sa pinoy grammar d'yan). kulang sa practice kumbaga.
pero tulad ng pagsakay ng bisikleta, kahit 'di mo man madalas gawin, once na matuto ka, alam mo pa rin kung paano sumakay. unti-unti, babalik din sa'yo. madali lang namang magsulat, ang magsulat ng may sense ang mahirap.
ang magsulat ng may sense ang mahirap, pero sino nga ba talaga ang makakapagsabing may sense nga o wala ang mga sinulat mo?
wala.
kaya unti unti ko na ring pinabayaan...
naengganyo akong gumawa ng blog dahil sa mga kaibigan ko. sabi ko nga matagal ko na ring binabalak ito. at dahil nga gusto ko maganda rin ang blog ko, pinag isipan kong mabuti kung anong ilalagay ko.
Biyaheng STA. CRUZ, CALAMBA COLLEGE. 'di ko mabilang kung ilang beses kong sinakyan ang biyaheng ito para makapunta sa los baƱos. taga-pampanga ako kaya sasakay muna ako papuntang maynila. dalawa ang choices ko, cubao o avenida. pero mas masaya (at mas mura) ang rutang cubao. biruin mo madadaanan mo ang channel 7, san ka pa? (oo inaamin ko may pagkajologs ako) pero totoo, mas masaya ang biyaheng cubao. kasi dito pa lang madami nang taga LB na sumasakay, think of it as an extension of your respective tambayans sa LB. basta masaya. promise. dito ko nakasakay si kame na may baong tinapa. dito rin kami napakain ng goto ni tsog dahil gutom na gutom na kami at sasampung piso na lang ang pwede naming gastusin. 'di naman sa hindi kami kumakain ng goto pero sadyang kaduda duda ang kalinisan ng nasabing goto.
marami akong alaala sa cubao. saka ko na siguro ikukuwento 'yung iba.
dahil ang buhay ay isang paglalakbay...hinaharap ang bawat pagkakataon bawat sakay... ilang beses ko ring pinalitan ang description nito. dapat sana "sakay na!" ang ilalagay ko pero sabi ko nga kay cha, baka mabuko na fan ako ni sharon cuneta. kung titingnan mo, tama nga naman, sa buhay marami kang madadaanan, marami kang makikila. sabihin na lang nating gusto kong ikuwento kung ano ang nadaanan ko, kung ano ang nakita ko, kung sino ang nakilala ko at higit sa lahat kung ano ang natutunan ko.
sa pagsulat ko ng first entry ko, natutunan kong bumitaw sa kaisipang dapat lahat maganda, dapat lahat perfect. dahil sa totoong buhay, 'di lahat maganda, 'di lahat perfect pero matutunan mo rin itong ma-appreciate. at higit sa lahat 'di sasaya ang buhay kung lagi na lang maganda at lagi na lang perfect.
heto ang unang entry ko...
4 Comments:
kudos!!! :D
astig. mabuhay ka sister. :)
nice one!!! isang panibagong blog na aking babalik-balikan! =)
nahiya na tuloy ako magsulat .. ang galing promise!
Post a Comment
<< Home